Ni Benjamin Pascual
Mga Tauhan:
1. Luding- mabait at mapagmahal na asawa
2. Asawa ni Luding- nakulong dahilan sa galit niya sa mga
taong hindi tumulog sa kanyang asawa
3. Mga nars at doctor
4. Mr. at Mrs. Cajucom
Buod
Ang kwentong ito ay tungkol sa lalaking nakulong dahil sa
isang pagkakamali. Sa galit niya sa mgadoctor at nars na hindi manlang tumulong
sa kanyang asawa sa pinagdalhan nitong ospital na siya mismo ang isa sa mga
gumawa ay nagdilim ang paningin niya at nawala sa sariling katinuan.
Sinunogniya ang bilding ng ospital sa pag-aakalang makakaganti siya sa mga ito
sa pagkawala ng kanyang anak.
Uring Pampanitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang
maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang may-akdang mga pangyayari
sa kwento.
Istilo ng Paglalahad
Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip
kung saan inilahad ng may-akda ang mgapangyayari sa kasalukuyan
hanggang sa paglalahad nito ng mga
pangyayari sa nagdaan niyangkaranasan. Ikinuwento
ng may- akda ang dahilan ng pangunahing tauhan kung bakit ito nakulong.
Mga Dulog Pampanitikan
Moralistiko
Ipinakita sa akda ang pagsasawalang bahala ng mga taong
nakapaligid sa kanya. Hindinila binigyang halaga ang pakiusap ng taong
humihingi ng tulong. Ipinakita rin ditto ang hindimagagandang pag-uugali ng mga
tauhan, gaya ng pang-aapi sa mga mahihirap.
Sosyolohikal
Ipinakita sa akda ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa
at ang suliranin na madalas namakikita sa lipunan, nitong ginagalaan. Ipinakita
ang pakikisalamuha ng mahirap sa mayayamankung saan madalas na makikitang
inaapi ng mayayaman ang mahihirap tulad ng ipinakita sakwento.
Sikolohikal
Ipinakikita sa akda na ang Tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito. Tulad ng
nangyari sa pangunahing tauhan, dahilan sa pagwawalangbahala ng mga taong
hinihingian niya ng tulong, nagkaroon ng pagbabago at hinanakit sa kanyang
puso.
Bisang Pampanitikan
Bisa sa Isip
“Ang nawala na ay hindi na maibabalik”. Ito ang naikintal ko
sa aking isipan matapos kong mabasa angkwentong ito. Bagamat alam na
niyan hindi na niya maibabalik ang kanyang anak na namatay dahilansa mga taong
walang pagpapahalaga, gumawa pa rin siya ng paraan na alam niyang hindi tama.
Kaya sabandang huli siya rin ang nagdusa. Gayundin, sa pagsusuri ng akdang ito,
napagtanto ko na hindi talagapantay ang antas ng pamumuhay sa ating lipunan.
Ngunit magkagayon man, nararapat na bigayanghalaga ang mga taong nangangailangan
ng higit na pag-unawa at pagmamalasakit.
Bisa sa Damdamin
Matapos kong mabasa ang akdang
ito, nakaramdam ako ng pagkapoot
tulad ngnaramdaman ng tauhan sa akda sapagkat hindi man lang siya
tinulungan ng mga taong maykakayahang magpaanak sa kanyang asawa. Nakakalungkot
isipin na kung sino pa ang mga taongnasa mataas na antas ay siya pang walang
pagmamalasakit sa kapwa.
Bisa sa Kaasalan
“Hindi maitatama ang isang pagkakamali ng isa
pang pagkakamali”. Sa ginawa ngtauhan sa akda, alam niyang hindi
makatarungan ang ginawa sa kanyang asawa ngunit ngunitmas mali pa rin ang
naisip niyang paraan. Marapat na idinaan niya ito sa isang legal napamamaraan.
No comments:
Post a Comment