Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna.
Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig
sa wawa ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak
kapag nahihipan ng hangin.
Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na
naghahabulan.
Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay
na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may
dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay
hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.
Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming
lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa
pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karetela.
Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka
nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang
gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na
gawa sa kahoy ay hindi nararapat.
Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit
dahil sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali dali kong itinapon sa dagat, kasama
ang dasal na mahabol nito ang kapares na tsinelas.
“Bakit mo itinapon ang iyong isa pang tsinelas?” tanong sa
akin ng kasamahan ko sa bangka.
“Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring
silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit niya
ito sa kaniyang paglakad.
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang
Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya ang
isang batang katulad ko.
No comments:
Post a Comment