Friday, January 13, 2017

Masdan Mo Ang Kapaligiran

Intro:
Wala ka bang napapansin sa iyong mga kapaligiran?Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.


Refrain 1: 
Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating ngunitmasdan mo ang tubig sa dagat dati'y kulay asul ngayo'y naging itim ang mga duming ating ikinalat sa hangin sa langit huwag na nating paabutin upang kung tayo'y pumanaw man, sariwang hangin sa langit natin matitikman


Refrain 2:
Mayron lang akong hinihiling sa aking pagpanaw sana ay tag-ulan gitara ko ay aking dadalhin upang sa ulap na lang tayo magkantahan


Refrain 3:
Mga batang ngayon lang isinilang may hangin pa kayang matitikman? may mga puno pa kaya silang aakyatin may mga ilog pa kayang lalanguyan?


Refrain 4: 
Bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasandarating ang panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayo'y namamatay dahil sa 'ting kalokohan


Refrain 5: 
Lahat ng bagay na narito sa lupa biyayang galing sa diyos kahit nong ika'y wala pa ingatan natin at 'wag nang sirain pa pagkat pag kanyang binawi, tayo'y mawawala na  


Watch the Environment


Intro:
Have you notice anything in your environment? The air has gone polluted. Even so our children. 


Refrain 1: 
Progress isn't a bad thing, and we have come a long way with it But look at the waters of the seas before they were blue but have already turned to black Do not let all the dirt we have made and scattered into the air reach the heavens So when we are gone, we will only have fresh air to breathe in heaven


Refrain 2:
There is only one thing I'm asking for, that when I die I hope it will be during the rainy season With me, I'll bring my guitar, so together, all of us will sing upon the clouds 


Refrain 3: 
Those children that are born today,Will they still have the air to breath? Will they still have the trees to climb up on? Will they still have rivers for them to swim into?


Refrain 4: 
Why don't we think about what's happening to our environment? Progress isn't a bad thing if it does not harm our nature There will come a time, even those birds will have nowhere to perch on Look at that tree that has stood there robust for a very long time, now dying because of our foolish actions 


Refrain 5: 
All of the things that exist on this earth are all blessings from God even before you're still not here Let us take care of it, and protect it because if He will take it back from us, we will all be gone.  

Tuesday, January 10, 2017

Pakiusap


Kung mamahalin mo siya, mag-iingat ka.

Delikado ang mga binibitawan niyang salita
At makikita mo ang kakaibangan pungay nang kaniyang mga mata; 
Kaya oo, kung mamahalin mo siya, mag-ingat ka. 

Hindi mo siya pwedeng isiid sa isang kahon at panatilihing iyo, 
Matuto kang tumalikod sa mga bagay na pinaniniwalaan mo, 
Masasanay ka na wag makinig sa mga bagay na kinukwento nila sayo
At magbubulag-bulagan ka sa kung ano ang totoo. 
Ganyan.

Ganyan ang epekto ng pagmamahal sa isang taong hindi nakalaan para sa iyo
At maniwala ka sakin, sa mga payong sasabihin ko, 
Kasi minsan na niya akong nilagay dyan sa pwesto mo. 

Oo, ako ang dating laman ng mga yakap niya.
Ang kamay ko, ang mga kamay na dating kanya 
Ako ang pagmamayari niyang ipinagdamot niya sa iba
Ngunit kalaunan ay ipinagpalit at isiniwalang bahala 
Kaya kung pangangakuan ka niya, pakiusap wag kang maniwala 

Kung sabihin man niya sayo ang mga salitang "Walang hanggang" 
Pakiusap, matuto kang lumisan 
Hindi magtatagal, ikaw ang maiiwan 
Hindi ko balak na siya'y siraan 
Pakiusap, dahil minsan na niya akong sinaktan 
At maniwala ka man o hindi, walang gamot sa taong tanga kundi ang pansariling pagkagising sa katotohanan.